Simula ngayong Linggo (May 2), mas lalaganap ang saya at excitement sa paboritong weekend musical comedy variety show na ‘All-Out Sundays’ dahil live na live na mapapanood ang performances ng Kapuso stars hindi lang sa telebisyon kundi pati na rin online.
Tuluy-tuloy ang all-out summer experience sa Pinoy Reggae opening number nina Alden Richards, Julie Anne San Jose, Barbie Forteza, Rayver Cruz, Christian Bautista, Aicelle Santos, Mark Bautista, Ken Chan, at Rita Daniela.
May inihanda ring exciting na performances sina Miguel Tanfelix, Ruru Madrid, Derrick Monasterio, Kyline Alcantara, Mavy Legaspi, Golden Cañedo, Jeremiah Tiangco, Jessica Villarubin, Thea Astley, Kim de Leon, Lexi Gonzales, at guest na si Ysabel Ortega.
‘Wag din palampasin ang launch ng auditions para sa ika-apat na season ng The Clash kasama sina Aicelle, Clash Master Julie Anne, at Clash Panel Lani Misalucha.
May inihanda ring bigatin na dance performance ang Cypher crew na sina Barbie, Miguel, Rayver, Kyline, Mannex Manhattan, at DJ Loonyo.
Samantala, kiligin naman sa musical romantic comedy na ‘Love Doctors’ kasama sina Rhian Ramos, Paolo Contis, Denise Barbacena, Kristoffer Martin, Betong Sumaya, Jennie Gabriel, at Tuesday Vargas.
Gawing mas exciting pa ang inyong summer kasama ang AyOS barkada ngayong Linggo sa ‘All-Out Sundays’, 12 nn, sa GMA-7 at GTV. Mapapanood din ito sa official social media pages ng GMA Network.