in

GMA Public Affairs, may #JabWellDone campaign

Mahigit isang taon na nating nilalabanan ang pandemya at umabot na sa mahigit isang milyon ang tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas.

Kaya naman sa pamamagitan ng social media campaign na #JabWellDone, layunin ng GMA Public Affairs na ma-engganyo ang mga Pilipino na magpabakuna laban sa COVID-19 sa pamamagitan na rin ng mga kuwento at sariling karanasan ng mga Pinoy na nabakunahan na.

Ang campaign na ito ay nagbibigay rin ng impormasyon at  mga kasagutan tungkol sa mga bakuna na available sa Pilipinas.

Ilan na sa mga Kapusong nagpa-bakuna at nag-share ng kanilang #JabWellDone photos online ay ang Born to be Wild host na si Doc Ferds Recio at GMA reporters na sina Saleema Refran at Tina Panganiban-Perez.

Kaya sa mga nakatanggap na ng bakuna, maki-#JabWellDone na! At sa mga nagdadalawang-isip pa rin, i-follow lang ang GMA Public Affairs sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok para sa mga impormasyon tungkol sa COVID-19 vaccination.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Iñigo Pascual, may bagong collab kasama ang international grammy-nominated artists

K-Pop artist na si Ailee inawit ang OPM Classic na ‘Kahit Isang Saglit’