in

Maki-Fiesta sa summer party ng ‘ASAP Natin ‘To’ ngayong Linggo

Humanda na sa isang malaking summer fiesta party mula sa inyong mga paboritong Kapamilya idols ngayong Linggo (Abril 25) sa “ASAP Natin ‘To,” sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Maki-party to the max sa birthday blowout ni Daniel Padilla sa ASAP stage.

Hahataw muli ngayong Linggo para sa isang P-pop concert experience ang BGYO. Hindi rin pahuhuli sa dance floor sina AC Bonifacio, Maris Racal, at Vivoree Esclito, at maki-sayaw sa K-Pop dance showdown nina Jameson Blake, Joao Constancia, Jin Macapagal, Jeremy Glinoga, at Asia’s Pop Heartthrob Darren.

Abangan din ang mga hugot kantahan sa collab ng new breed of ASAP singers na sina KD Estrada, Anji Salvacion, Diego Gutierrez, at Sam Cruz, kasama ang ’90s teen star at momshie Jolina Magdangal; senti jamming kasama ang bandang The Juans at si Moira dela Torre; at ang soulful musical performance nina Bamboo at Soul Siren Nina.

Tuloy pa rin ang biritan kasama ang new generation of ASAP divas na sina Elha Nympha, Sheena, Zephanie, at Janine Berdin.

At huwag papahuli sa inspirational kantahan ng mga naglalakihang OPM artist, tulad nina Concert King Martin Nievera, Jason Dy, Jed Madela, Erik Santos, Nina, Klarisse de Guzman, at Asia’s Songbird Regine Velasquez para magbigay-pugay sa mga awitin ng international music icon na si Josh Groban.

Isama ang buong pamilya at maki-fiesta sa longest running musical variety show sa bansa, ang “ASAP Natin ‘To,” ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa local TV, worldwide via TFC, at online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Anthony Rosaldo at Hannah Precillas, good vibes ang hatid sa Heart of Asia summer station ID

‘Catch Me Out Philippines,’ pansamantala munang ‘di mapapanood ngayong Sabado