in

TV Host, may ‘Magandang’ Kwentong Pangkabuhayan

‘Magandang’ inspirasyon ang hatid ng mga kilalang Pinoy celebrities at personalities na may beauty at wellness businesses sa bagong e-book na pinamagatang “Beauty and the Biz.”

Isinulat ng TV host na si Joby Linsangan Moreno ang mga kwento ng King of Talk na si Boy Abunda, celebrity fitness coaches na sina Jim at Toni Saret, kilalang make-up artist na si RB Chanco, at iba pang entrepreneurs sa librong hatid ng ABS-CBN Books.

“Ang librong ito ay tungkol sa real stories ng mga beauty businesses, na nagsimula sa maliit pero ngayon ay mga sikat at national brands na,” ani Joby na host ng dating programa sa ABS-CBN News Channel (ANC) na may parehong titulo sa libro.

Kabilang sa “Beauty and the Biz” ang 25 Pinoy entrepreneurs na nagbahagi ng kani-kanilang kwento tungkol sa mga negosyong may kinalaman sa wellness at pagpapaganda, tulad ni RB na kilala na ngayon bilang paboritong make-up artist ng maraming artista.

Hatid din nito ang success story nina Jim at Toni na unang nakilala bilang fitness coaches sa “The Biggest Loser Pinoy Edition: Doubles” program ng ABS-CBN at patuloy ngayon sa kanilang pag-engganyo tungo sa healthy lifestyle sa pamamagitan ng kanilang fitness camps, four-minute workouts, at advocacies tulad ng The Fit Filipino Movement. Sila ngayon ay napapanood sa “Team Fitfil” sa iWantTFC.

Ibinahagi rin sa digital book ang pagsisimula ni Boy Abunda sa showbiz bilang pag-anyaya sa mga mambabasa na huwag tumigil sa pagsubok na makamit ang kanilang pangarap.

Ang “Beauty and the Biz” author na kilala rin sa tawag na Orange Lady ay isang matagumpay na entrepreneur. Si Joby ay licensed medical technologist na sa murang edad ay itinatag ang sariling negosyo na Orange Blush Salon halos dalawang dekada na ang nakakaraan at ngayon ay may 20 branches na.

Bukod sa mga ibinahagi ng kapwa niyang negosyante, ikinwento rin ni Joby sa libro ang sariling tips para makamit ang work-life balance pati na rin ang kanyang ’10 Commandments of the Orange Lady’ bilang gabay tungo sa tagumpay.

Alamin ang success stories ng mga Pinoy ‘beauty’ entrepreneurs sa librong “Beauty and the Biz” na pwede nang ma-download sa amazon.com. Para sa karagdagang detalye, sundan ang ABS-CBN Books sa Facebook (www.facebook.com/abscbnbooks) at Instagram (@abscbnbooks).

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Juancho Trivino, magiging strict father kaya?

Doc Kenneth meets Pamilya Guipit sa ‘Owe My Love!’