in

Juancho Trivino, magiging strict father kaya?

Mukhang handa na ang Kapuso actor at host na si Juancho Trivino sa pagdating ng kanilang baby ni Joyce Pring. Kasalukuyang abala ang dalawa sa pag-attend ng mga parenting classes.

Tanong ng fans, magiging strict o lenient father kaya si Juancho? Pagbabahagi niya sa isang recent interview, “Hindi ko pa alam eh. Actually, pinag-uusapan namin ni Joyce ‘yun, someone has to be the good or the bad cop, so depende pa. Ang nakikita ko, strict but loving.”

Dagdag pa ni Juancho, magiging hands-on dad muna siya bago muling sumabak sa acting projects, “Very crucial kasi ‘yung first few months ng baby and I don’t want to burden Joyce with everything. Katulad ng mga nalalaman namin from the parenting classes that we go to, malaki ang part ng fathers pagdating sa first few months. Siyempre since first time namin ito, gusto namin ma-immerse, maramdaman ‘yung experience.”

Talagang excited na hindi lang ang JuanChoyce, pati na rin ang kanilang mga pamilya, malalapit na kaibigan sa industriya, at mga tagahanga sa nalalapit na pagdating ng kanilang magiging bundle of joy!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Lorna Tolentino, mapapalayas na ba sa Palasyo sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’?

TV Host, may ‘Magandang’ Kwentong Pangkabuhayan