in

Doc Kenneth meets Pamilya Guipit sa ‘Owe My Love!’

Napa-#OMLYes na nga ni Doc Kenneth (Rocco Nacino) si Sensen Guipit (Lovi Poe), and now they are officially in a relationship. At dahil d’yan, ipapakilala na ni Sensen si Doc Kenneth sa kanyang pamilya. Mas makikilala na rin ng viewers ang pamilya Guipit na tila may connect kay Lolo Badong (Leo Martinez). 

Samantala, sa kabilang dako ng universe ay ang lumalalang selos ni Doc Migs (Benjamin Alves). Kasi naman, may chance na kasi siyang umamin, napa-atras pa! Naunahan tuloy siya. May pag-asa pa kaya si Doc Migs o forever na sina Sensen at Doc Kenneth?

Ang hindi nila alam, pakawala pala ni Trixie (Winwyn Marquez) si Doc Kenneth. Plano pala talaga nilang kunin ang tiwala ni Sensen at mahulog ang loob nito kay Doc Kenneth para tuluyan na itong mapatalsik sa mansyon ng mga Alcancia.   

Napakaraming twist and turns ng GMA Public Affairs series na Owe My Love! Bukod sa kilig, patok din sa viewers ang serye dahil talagang ini-embody nito ang spirit of Filipino family na tulungan at damayan kahit anong mangyari. Bonus pa ang nakatutuwang comedy antics nina AiAi delas Alas, Nova Villa, Jackielou Blanco, Ruby Rodriguez, at Mahal.

Kaya tuloy lang sa pagtutok sa Owe My Love, Lunes hanggang Biyernes, 9:35 p.m. sa GMA Telebabad!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

TV Host, may ‘Magandang’ Kwentong Pangkabuhayan

Mga Surigaonon, nakadama ng liwanag matapos ang bagyo sa tulong ng ABS-CBN Foundation