Agad na kinagilwan ng manonood ang mga karakter nina Yam Concepcion at Gerald Anderson na parehas na nagpapakatatag sa laban ng buhay sa bagong serye ng ABS-CBN Entertainment na “Init Sa Magdamag.”
Puring-puri sila sa madiskarteng si Rita (Yam), na kahit hirap sa buhay ay nakakahanap pa rin ng paraan para matupad ang pangarap. Hindi nagpakita ng pagiging makasarili si Rita nang unahin pa niyang padalhan ng pera ang kapatid na si Khyle (Mark Oblea) na nakabuntis kaysa magbayad ng tution fee niya.
Sa kabilang banda, nakita naman ng viewers ang pagsisikap ni Tupe (Gerald) na kahit pasaway sa tingin ng lahat ay pursigidong maging isang doctor.
Sa dami ng papuri sa serye online, agad na nagtrending ang #InitNgUnangGabi nationwide.
“Saktong sakto ang timpla no? May tamang pakilig, may tamang pakurot din sa puso!! Lalo na dun sa part ng family ni Rita at yung nasagip nyang buhay. Kaya maraming maraming salamat sa mga nurses, doctors, at frontliners ngayong pandemya,” komento ni @AltiWantTFC.
“Ang bait na anak ni Rita pati ipon niya ibibigay nya sa pamilya niya #InitNgUnangGabi,” @TeamGeraldandJulia said.
Ani ni @PrincessFrance, “At naappreciate ko na bago ang major plot points, pinapakapit muna tayo ng #InitNgUnangGabi kina Rita at Tupe, and wants/goals nila as characters. Hindi mabagal, hindi mabilis… Tamang pacing lang, enough to sustain our interest.”
Samantala, sabik na rin ang netizens mapanood si JM de Guzman bilang si Peterson.
“#InitNgUnangGabi yam is da best.. Papa @Jmdeguzman asan ka na ba??,” tanong ni @itsmetopheng.
Saad ni @allisonmallari, “Kelan kaya lalabas si Peterson? Mas maeexcite ako dun. #InitNgUnangGabi”
Iprinoduce ng Star Creatives ang “Init Sa Magdamag” sa ilalim ng creative management ni Henry Quitain at direksyon nina Ian Lorenos at Raymond Ocampo.
Panoorin ito gabi-gabi, 9:20 sa TV5 at A2Z channel sa free TV at digital TV boxes gaya ng ABS-CBN TVplus, sa cable at satellite TV sa Kapamilya Channel at Jeepney TV, sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. Sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel.
Pwede rin mapanood ang advance episodes nito sa iWantTFC o WeTV iflix.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.