Mula raw nang tanghalin siyang Protégé Grand Champion noong 2012, sunud-sunod na ang acting projects ni Kapuso artist Thea Tolentino. Kaya naman, thankful siya sa GMA Network dahil kahit na may pandemic, hindi nito pinabayaan ang kaniyang career.
Kuwento niya, “Sobrang swerte ko and sobrang happy ako na mula noong nanalo ako sa Protege, sunud-sunod ‘yung mga naging projects ko. Talagang mas nahasa ko pa ‘yung craft ko, iba pa rin ‘yung nagagamit mo ‘yung natutunan mo and skills mo sa trabaho mismo and sobrang thankful ako sa GMA for always trusting me with very amazing shows and roles. Sobrang blessed!”
Isa si Thea sa mga bibida sa upcoming GMA drama series na ‘Las Hermanas’ kung saan makakatrabaho niya ang beteranong aktor na si Albert Martinez at mga kapwa Kapuso stars na sina Yasmien Kurdi at Faith Da Silva. Naging parte rin siya ng successful GTV primetime soap na ‘The Lost Recipe.’