Siguradong matutuwa ang mga mahilig manuod ng pelikula dahil si Isabel Sandoval, ang direktor sa likod ng tanyag na pelikulang “Lingua Franca” ang guest ngayong Thursday sa “The Howie Severino Podcast.”
Si Sandoval ay isang Pilipinong filmmaker na nakabase sa New York. Siya ang kauna-unahang trans woman of color na nakapagpalabas ng pelikula sa prestihiyosong Venice International Film Festival film screening competition.
Noong 2020, nanalo ng Jury Award for the Best Narrative Feature sa Bentonville Film Festival ang Lingua Franca, kung saan siya rin ang gumanap sa bidang karakter.
Ibabahagi ni Sandoval ang kanyang kuwento bilang isang matagumpay na filmmaker sa US. Abangan ‘yan ngayong April 22, Huwebes!
Mapapakinggan nang libre ang “The Howie Severino Podcast” sa Spotify, Apple Podcasts, Google Podcasts, at iba pang streaming platforms.