in

Alice Dixson, nagreact sa akting ni Claire Castro sa ‘Nagbabagang Luha’ remake

Nakatakdang bigyang-buhay ng promising Kapuso actress na si Claire Castro ang role ni Legal Wives star Alice Dixson sa much-awaited TV adaptation ng ’80s blockbuster movie na ‘Nagbabagang Luha.’

Gaganap si Claire as Cielo Ignacio, ang mapusok at palaban na kapatid ni Maita Montaire na bibigyang-buhay naman ni Glaiza de Castro. Makakasama rin nila sa serye sina Rayver Cruz, Mike Tan, at Gina Alajar.

Inilabas na rin ang trailer ng upcoming Kapuso series kung saan mapapanood ang iconic scene nina Alice at Lorna Tolentino na gumanap noon bilang sina Cielo at Maita.

Aprubado naman kay Alice ang ipinamalas na akting ni Claire, “Naaalala ko kung gaano ka-intense ang eksenang iyon. Pero dahil alam ko na napaka-talented mo Claire, you’re such a talented girl. I believe na mas kaya mo pang gawing mas intense ang eksenang iyon.”

Ang eksenang tinutukoy ni Alice ay ang pagmamakaawa ni Cielo na ‘wag kunin sa kanya ni Maita si Alex (Rayver) dahil ikamamatay raw niya ito. Sinagot naman siya ni Maita ng “Ipalilibing kita.”

Mas matitinding eksena pa ang dapat abangan sa pagitan nina Maita at Cielo sa pinakaaabangang GMA Afternoon Prime series na Nagbabagang Luha.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Piolo Pascual at Regine Velasquez, muling magpapakilig sa premiere ng ‘Paano Kita Iibigin’ sa Sagip Pelikula Festival

Francine Diaz, bumait ba matapos makausap si Bro sa ‘Huwag Kang Mangamba’