Marami ang kinikilig sa love story ng Kapuso stars na sina Juancho Trivino at Joyce Pring na nagsimula sa Kapuso morning show na Unang Hirit.

Talagang nasubaybayan ng Kapuso viewers ang kanilang kuwento–mula sa pagiging love team on-screen hanggang sa nauwi na sa totohanan ang kanilang relasyon. Noong isang taon ay nagpakasal sila at kamakailan nga ay ibinahagi ng mag-asawa ang good news na sila ay magkakaroon na ng baby!
Bago dumating si baby number “juan,” kumustahin natin at alamin ang kuwento nina Juancho Trivino at Joyce Pring-Trivino o Juanchoyce, ngayong Miyerkules, 11:30 p.m., sa Tunay Na Buhay na mapapanood sa GMA.