Talagang mahilig magpabakat ang isang BL actor sa kanyang mga pictures at videos. Wala na rin naman s’yang itatago dahil nakita na ito ng publiko.
Pa-“thirst trap” ang kanyang emote sa kanyang mga video na pino-post online. Wala s’yang paki sa mga video na kumakalat. Ine-enjoy n’ya ito. Sey ng source, kahit ano ay gagawin n’ya nang walang limitasyon para sa ilusyon n’yang maging big star.
Akala ata ng binatang aktor na ito na ganun kadali ang pagsikat. Di ba ang kwento noon, inenjoy n’ya ang pagkakalat sa social media para mapansin.
Ayon sa kwento, talagang nagkaroon ng ere ang BL actor na ito. Hindi n’ya feel kasabay ang mga kasabayan n’ya sa isang grupo nung nagsisimula pa lang s’ya at tinarayan n’ya ang mga ito nung nagkasama sila.
Isa sa itinuturong dahilan kung bakit yumabang ay dahil kinunsinti ng manager na tila higit sa alaga ang kanyang pagtingin. Hindi kasi naturuan ng right attitude ang binata.
Nung nagsisimula pa lang s’ya ay anghel ngunit nang umingay ang pangalan ay nagkaroon na ng sungay.
Sabi pa ng aming kausap, sana man lang ilugar n’ya ang kanyang kayabangan. Hindi naman pa man s’ya star. Paulit-ulit nga ang kanyang nakukuhang projects. Halos lahat ay BL.
Sana nga ay hinusayan n’ya para matakpan ang kanyang kalat. Sayang ang career n’ya dahil hindi naalagaan ang kanyang image. Baka dahil pinabayaan ng kanyang management. Laban kung laban ang marka ng aktor bigay kung bigay.
Sa rami rin kasi ng BL ngayon, nauumay na ang mga tao kaya kung hindi ka mag i-standout, walang mangyayari sa’yo, hindi ka mapapansin.
Tanong nga ng source, aware kaya ang binatang actor na may mga naiinis sa kanyang kayabangan?