in

Paulo Avelino, iniligtas ang mga biktima ni Zanjoe Marudo sa ‘Walang Hanggang Paalam’

Malapit nang makuha ni Emman (Paulo Avelino) ang hustisyang matagal na niyang inaasam pagkatapos niyang iligtas ang mga biktima ng sindikatong pinapatakbo ng pamilya ni Anton (Zanjoe Marudo) sa huling dalawang linggo ng “Walang Hanggang Paalam” sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Dahil sa pagpapakabayani niya, abswelto na siya sa lahat ng mga kaso niya at malayang makakakilos para maipakulong sina Anton (Zanjoe Marudo) at Amelia (Cherry Pie Picache) pagkatapos nilang tumakas sa mga awtoridad. Habang nag-iisip ng kanilang susunod na hakbang, pinoproblema na rin ng magkapatid ang lumalalang sakit sa puso ni Anton dahil namatay na ang heart donor nilang si Arnold (Javi Benitez).

Nabawasan din ang kanilang mga kakampi dahil sinuspinde sa trabaho si Leo (Tonton Gutierrez) at pinaiimbestiga na rin ang papel niya bilang protektor ng sindikato.

Kahit na tali ang mga kamay ni Leo, magagawa naman niyang pagbantaan ang buhay ni Celine (Angelica Panganiban) na itinago niya mula kay Emman.

Mailigtas kaya ni Emman si Celine bago maging huli ang lahat?

Panoorin ang “Against All Odds” finale ng “Walang Hanggang Paalam” gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live YouTube channel, ABS-CBN Entertainment Facebook page, at iWantTFC. Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Studio 2054’ ni Dua Lipa, mapapanood nang libre sa iWantTFC at MYX sa Abril 14

‘I Can See You: Truly. Madly. Deadly.,’ muling mapapanood sa GMA Telebabad