in

Tambalang Jolina Magdangal at Marvin Agustin, tampok sa premiere ng remastered version ng ‘Hey Babe!’

Pakikiliging muli ng ’90s loveteam nina Marvin Agustin at Jolina Magdangal ang kanilang fans sa handog ng ABS-CBN Film Restoration na premiere ng digitally restored at remastered version ng kanilang hit movie na “Hey Babe!” ngayong Abril 8 (Huwebes) sa Sagip Pelikula Festival sa KTX.

Sundan si Jolina bilang Abigail, isang babaeng naniniwala na dadalhin ng tadhana sa kanya ang hinahanap na Mr. Right.

Sa kabila ng masugid na panliligaw ni Nelson (Marvin) sa kanya, hindi niya ito sineseryoso. Pero nang malaman ni Nelson na naniniwala si Abigail sa hula, kinuntsaba nito ang isang manghuhula. Hindi magtatagal, ma-iinlove na rin si Abigail kay Nelson.

Pang forever na kaya ang saya na nadarama ni Abigail?

Mula sa kuwento nina Ricky Lee, Mel Mendoza-Del Rosario, at Dindo Perez sa direksyon ni Bb. Joyce Bernal, ang 1999 rom-com film ng Star Cinema ay ang huling loveteam movie nina Jolina at Marvin. Kasama rin sa pelikula sina Gina Pareño, Nikki Valdez, Dominic Ochoa, Alma Moreno, Joey Marquez, at iba pa.

Mabibili na ang mga tickets nito sa http://bit.ly/HeyBabeOnKTX sa halagang P150. Magkakaroon din ito ng pre-show kasama sina Jolina Magdangal at Nikki Valdez para ikuwento ang kanilang mga karanasan sa paggawa ng pelikulang ito.

Maliban sa “Hey Babe!”, mapapanood din sa Sagip Pelikula Festival ang ilan pang klasik na romantic movies tulad ng “Labs Kita… Okey Ka Lang?”, “Gimik: The Reunion,” “May Minamahal,” “Forevermore,” at “Radio Romance” simula Abril 9 (Biyernes).

Patuloy ang adhikain ng ABS-CBN Film Restoration at ang proyekto nitong Sagip Pelikula na ibalik ang dating ganda ng mga klasikong pelikulang Pilipino. Dahil dito, kinilala na ng ilang award-giving body ang inisyatibo nito, tulad nalang ng makatanggap ito ng Gold Quill award mula sa International Association of Business Communicators (IABC), at ng Gawad Pedro Bucaneg mula sa Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL).

Para sa updates tungkol sa ABS-CBN Film Restoration at sa “Sagip Pelikula,” i-follow sila sa Facebook (fb.com/filmrestorationabscbn), Twitter (@ABS_Restoration), at Instagram (@abscbnfilmrestoration).

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Kelley Day, thankful sa Miss Eco International 2020 experience

‘Fan Girl,’ pinarangalan sa ika-apat na Eddys