in

Book 2? Viewers at fans ng ‘The Lost Recipe’ nabitin!

Hoping for Book Two ang viewers ng The Lost Recipe matapos ngang umere ang finale episode ng pinagbibidahang serye nina Mikee Quintos at Kelvin Miranda nitong Miyerkules. At kahit pa may special episodes na ipinalabas sa GTV during the Holy Week, wish talaga ng fans na maipagpatuloy ang kilig sa pagitan ng mga karakter nina Harvey (Kelvin) at Apple (Mikee).

Ang The Lost Recipe cast, sepanx na rin sa serye. Tulad daw ng viewers, mami-miss din nila ang kanilang karakter at ang bonding na nabuo sa pagitan ng bawat isa.

Pero ang viewers, ready na raw sa sequel ng The Lost Recipe na gabi-gabi nilang tinutukan mula nang umere ito nitong Enero. Ibang level naman kasi ang storytelling at pagkakagawa ng fantasy romance series na ito ng GMA Public Affairs—na talagang lumikha ng ika nga’y sarili nitong lugar sa telebisyon. Refreshing at talagang hindi nakakasawang panuorin. Magagaling din ang mga artistang nakasama sa cast at dahil sa kanila, mas naging effective ang kuwento.

Congratulations, The Lost Recipe!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Christian Kane, may pababagsakin uling kriminal sa ‘Almost Paradise’ sa Kapamilya Channel

Nawalan man ng trabaho, tubong Kalinga hinirang na bagong Kapamilya star