in

‘Truly. Madly. Deadly.,’ trending sa Netflix Philippines!

Patok ngayon sa streaming platform na Netflix ang ‘I Can See You: Truly. Madly. Deadly.’ series mula sa first season ng groundbreaking GMA anthology na ‘I Can See You.’ Nasa 2nd spot ito ngayon sa Top 10 trending shows sa Netflix Philippines.

Ang Truly. Madly. Deadly. ang last series sa unang season ng I Can See You kung saan tampok ang real-life celebrity couple na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado kasama si Rhian Ramos. 

Matapos kumalat ang kanyang scandal sa isang married man, tumakas si Coleen (Jennylyn) sa syudad at naging manager ng isang resort. Doon niya makikilala ang IT guy na si Drew (Dennis) na babago ng kanyang buhay. Kahit pilit na tinatakasan, may magpapaalala naman ng kanyang nakaraan sa pagbabalik ng best friend-turned-enemy niyang si Abby (Rhian). 

Maraming netizens ang bumilib sa kakaibang kwento ng series na pinaghalong thriller at romance, “I highly recommend Truly. Madly. Deadly series on Netflix!”

Bukod sa Truly. Madly. Deadly., maaari ring mapanood sa Netflix Philippines ang ilan pang episodes ng unang season ng I Can See You na Love on the Balcony, The Promise, at High-Rise Lovers. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Best of the best all-star party, aarangakda na ngayong Easter Sunday sa ‘ASAP Natin ‘To’

Zanjoe Marudo, wanted ng mga pulis sa ‘Walang Hanggang Paalam’