in

Mga pelikulang tampok ngayong Easter Sunday sa GMA Network

Handog ng GMA Network ang mga espesyal na pelikula para sa Kapuso viewers ngayong Linggo ng Pagkabuhay, Abril 4.

Tunghayan sa Kapuso Movie Festival ang animated film na ‘The Angry Birds Movie 2’ kung saan mapapanood ang kuwento ng bangayan sa pagitan ng mga flightless na ibon at mapanlinlang na green pigs.

Muli namang balikan ang kilig moments sa ‘Imagine You & Me’ na pinagbibidahan nina Asia’s Multimedia Star Alden Richards at actress-comedienne Maine Mendoza sa GMA Blockbusters. Sundan ang istorya ng isang babaeng caregiver sa Italy na makakakilala ng lalaking hindi pa maka-move on mula sa dating relasyon.

Samantala, ipapalabas sa Telesine Presents ang pelikulang ‘Romantic Sketches.’ Gaganap si G. Toengi bilang si Michele, ang dalagang hopeless romantic na lagi na lang nasasawi sa pag-ibig. Nais niya at ng kanyang kapatid na makahanap ng lalaking mamahalin. Makikilala ni Michele ang bago niyang ka-opisina na si Randy (Eric Fructuoso) at kalaunan ay maiipit sa isang love triangle kasama ang malapit na kaibigan ni Randy na si Bernard (Jao Mapa).

Huwag palalampasin ang mga ito sa Kapuso Movie Festival bago mag-All-Out Sundays; GMA Blockbusters pagkatapos ng All-Out Sundays; at Telesine Presents pagkatapos ng The Boobay and Tekla Show sa GMA-7.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Huwag Kang Mangamba’ marathon, mapapanood ngayong Holy Week sa Kapamilya Channel

Libreng movies, travel shows sa iWantTFC ngayong Summer