in

Jasmine Curtis-Smith, nakaranas ng wardrobe malfunction sa ‘General Admission’

Susundan ng publiko ang bawat galaw ng isang sexy dancer matapos siyang mapahiya sa national TV sa bagong Pinoy movie na “General Admission,” na pinagbibidahan nina Jasmine Curtis-Smith at JC De Vera at ipapalabas sa buong mundo ngayong Abril 9 sa iWantTFC.

Iikot ang kwento nito sa sexy dancer na si Katja (Jasmine), na magbabago ang buhay matapos siyang mapahiya sa isang noontime show dahil sa isang wardrobe malfunction. Pagkatapos nito, pagpipiyestahan ng media ang kanyang sitwasyon at maiipit siya kasama ang kanyang kasintahang si Carlito (JC) sa isang malagim na krimen.

Available na sa iWantTFC subscribers ang ticket na nagkakahalaga ng P149 sa Pilipinas at USD.2.99 naman sa ibang bansa sa iWantTFC Android app at website (iwanttfc.com). Isang buwan naman itong magiging available sa platform hanggang Mayo 7.

Papakiligin naman nina Janine Gutierrez at JC Santos ang subscribers sa Philippines sa upcoming movie nilang “Dito at Doon,” na mapapanood mula Marso 31 hanggang April 28. Makakabili na ng early bird tickets (P300) para sa pelikulang tungkol sa dalawang magkaibigang magkakaibigan dahil sa panay na pag-uusap online habang lockdown.

Samantala, patuloy pa ring mapapanood sa iWantTFC ang Star Cinema romantic comedy na “Love or Money,” tampok ang pagtatambal nina Coco Martin at Angelica Panganiban, hanggang Abril 10 sa halagang P250 o USD4.99.

Pwedeng pwede ring humabol sa panonood ng boys’ love film na “Hello Stranger” hanggang Abril 14 at “Ayuda Babes” hanggang Abril 3 sa presyong P200 o USD3.99 kada ticket.

Hanggang Abril 6 naman ipapalabas sa iWantTFC ang dalawang MMFF 2020 movies na “Fan Girl” at “The Boy Foretold by the Stars” sa halagang P250 o USD4.99.

Mae-enjoy ang mga bagong pelikulang Pinoy sa iWantTFC app (iOs at Android) o sa iwanttfc.com. Mapapanood din ang mga ito sa mas malaking screen dahil available na rin ang iWantTFC sa piling devices gaya ng VEWD, ROKU streaming devices, Android TV, piling Samsung Smart TV models, at Telstra TV para sa users sa labas ng Pilipinas. Available na rin ang iWantTFC via chromecast at airplay. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://iwanttfc.com/help#tfc-on-smart-tv.

Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWantTFC o sundan ang @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC. Kung may mga katanungan naman, ipadala ang mga ito sa Facebook page ng iWantTFC o mag-e-mail sa [email protected].

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Maki-Rock ‘n Roll Sa ‘ASAP Natin ‘To’

Viewers, may bagong ABS-CBN shows na aabangan sa Kapamilya Online Live