in

Glaiza de Castro, pinabilib ang netizens sa bagong song cover

Muling nagpabilib ang Kapuso actress na si Glaiza de Castro sa kaniyang recent acoustic cover sa TikTok ng kantang “On The Ground” ni Rosé ng K-pop group na BLACKPINK. 

As of this writing, umani na ito ng higit 402,000 views mula noong inupload last Wednesday, March 24. Nakatanggap din ito ng positive feedback mula sa mga nakanood at sa katunayan ay mayroon na rin itong lagpas 120,000 likes!

Baguhan man sa TikTok, agad namang dumadami ang bilang ng kaniyang followers sa nasabing social media platform. Patunay na talagang sinusubaybayan ang galing ni Glaiza hindi lang sa TV, pati na rin online!

Samantala, excited na rin ang fans sa nalalapit na pagbabalik telebisyon ng multitalented actress sa GMA series na ‘Nagbabagang Luha’ kung saan makakatambal niya si Rayver Cruz. Abangan ‘yan, mga Kapuso!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Balik-Kapamilyang si Sheryn Regis, may kanta tungkol sa ghosting

Malalim na pagkakaibigan, mabubuo sa pagitan ng dating magkaaway sa ‘MMK’