in

Nagbabalik entablado na si Popstar Royalty Sarah Geronimo sa kaniyang parating na virtual ‘TALA: The Film Concert’

Nagbabalik entablado ang nag-iisang Popstar Royalty Sarah Geronimo sa kaniyang parating na virtual concert. Sa pahayag ng Viva Entertainment, ang “TALA: The Film Concert” ay isang one-night only exclusive event na ipapalabas sa buong mundo sa Marso 27 (Sabado), 8 PM (Manila time) sa Ktx.ph, iWantTFC at SKY Pay-Per-View.

Hango ang pangalan ng concert na ito sa kaniyang viral song na “Tala”. Sa dalawang oras na concert na ito, 18 kanta ang ipapalabas kasama ang sariling atake ni Sarah Geronimo sa kantang “Your Universe” ni Rico Blanco at ang iba pa niyang awitin na Ikot-ikot”, “Kilometro”, “Dulo” at “Isa Pang Araw”.

Maaari mo nang mapanood ang concert na ito sa halagang ₱1, 500 (Regular ticket) at ₱3, 000 (VVIP ticket). Sa VVIP ticket, may pagkakataon kang makita at maka-duet si Sarah Geronimo via Zoom. Sold-out nga ang VVIP tickets sa loob pa lang ng tatlong araw na pagbebenta nito. Dahil dito, nagdagdag ng mas maraming VVIP ticket ang Viva Entertainment.
Nakagawa na ng labindalawang concerts si Sarah simula 2004. Sa panahon ngayon, mas higit pa ang pagkanais niyang magbigay ng kaligayahan at pag-asa sa mga manonood. Aniya, “Focus on the positive things. Kumapit tayo sa magagandang bagay na naexperience natin.”

Sa isang exclusive interview ng Pika-Pika, ibinahagi ni Direk Paul Basinillo, direktor ng “TALA: The Film Concert” ang malaking kontribusyon ng Popstar Royalty. “But recently the past—what 3, 4 years—naging artist na si Sarah. Mainly because marami na siyang na-achieve eh, na-achieve na niya lahat eh. So siguro ito naman yung pino-focus niya, trying to make it work for her, and trying to incorporate her creative juices,” dagdag pa nito.

Ayon naman kay musical director Mr. Louie Ocampo “She wants everything beautiful because she’s a perfectionist. She’s maturing very well. Her taste in music is growing also. Parang she’s opening a different side of her and she’s embracing it very well.”

“In this particular project, all of us have been challenged and all of us brought our creativity to the next level,” sabi ng creative director na si Teacher Georcelle.

Siguradong magniningning si Sarah dahil na rin sa set design ni Enzo Pizzaro at stage light ni Shakira Villa-Symes.

Talagang binuhos ni Sarah ang kanyang puso’t talento sa produksyong ito. Kwento nga ng kanyang asawang si Matteo Guidicelli sa kanyang Instagram post, “She worked extremely hard for this show because her goal was to really produce something extra special for her audience and I personally witnessed how she creatively collaborated with her team.”

Hindi nakakalimutan ni Sarah na pasalamatan ang buong creative team. Aniya, “Very cooperative lahat. Gusto talaga nilang maging successful itong project na ito.”

Manood na sa pagbabalik ni Sarah Geronimo sa “TALA: The Film Concert”. Isang one-night only concert na ipapalabas sa buong mundo ngayong Marso 27 (Sabado), 8 PM (Manila time) sa Ktx.ph, iWantTFC, and SKY Pay-Per-View. Mag-log in sa www.ktx.ph para makabili ng tickets na nagkakahalagang ₱1,500 (regular) at ₱3, 000 (VVIP). Pwede ring tumawag sa Viva office sa 8697-7236 para sa iba pang katanungan.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Kyline Alcantara, may aral na natutunan sa ‘Bilangin ang Bituin sa Langit’

‘Ang Dalawang Mrs. Real,’ magbabalik sa GMA Afternoon Prime