in

Napapanahong kwento ng ‘Huwag Kang Mangamba,’ patok sa viewers

Mainit ang naging pagtanggap ng mga manonood sa pinakabagong inspirational series ng ABS-CBN Entertainment na “Huwag Kang Mangamba,” na nag-premiere sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5 kagabi (Marso 22), na anila ay may napapanahong kwento.

Pinuri ng fans ang mahalagang mensahe at inspirasyong hatid ng serye sa mga manonood, pati na rin ang pagganap ng mga bida nitong sina Andrea Brillantes at Francine Diaz, kung saan nauwi sa trahedya ang mga karakter nilang sina Mira at Joy matapos ang isang malaking aksidente.

Sa social media, ibinahagi ng mga manonood ang kanilang saloobin tungkol sa serye at agad ding pumasok sa trending topics sa Twitter Philippines ang hashtag na #HKMAngPagdating, #HuwagKangMangamba, Andrea Brillantes, SETHFEDELIN AS PIO, at ANGELINE QUINTO AS DARLING.

Para kay @karensngsn_ sa Twitter, “Grabe po, napakagaling po ng lahat ng cast ng Huwag Kang Mangamba. Unang gabi pa lang pero nakaka-inspire at nakaka-goosebumps na. Maraming aral ang mapupulot. At talagang hindi tayo pababayaan ni Bro. #HKMAngPagdating.”

“Huwag Kang Mangamba – is a serye which covers issues concerning family/parenthood, political, social and religion (faith). This is an eye-opener for all na hindi tayo nag-iisa dahil palagi nasa tabi natin si “Bro.” Thank you @DreamscapePH @ABSCBN for coming up with this project,” komento naman ni @julius_altavano.

Sabi naman ni @_merixx, “First episode pa lang grabe ‘yung impact nung mga eksena. Sobrang relatable ng pangyayari lalo na ‘yung kay Joy na nararanasan talaga ng mga kabataan. Sobrang galing tagos sa puso bawat aksyon at linyang binabato. #HKMAngPagdating.”

Para kay @shane_andreaa, “Grabe ang galing ni Andrea napaiyak nya ako kahit bulag sya kaya nya tumayo sa sariling paa nya at lagi syang nagpapasalamat kay Bro dahil ligtas sya araw-araw. You nailed it @iamandrea_b.”

Sa mga susunod na episode, dapat abangan ng mga manonood kung paano haharapin nina Mira at Joy ang misyon na ibinigay sa kanila ni Bro, pati na rin ang papel na gagampanan ng mga karakter nina Seth Fedelin at Kyle Echarri sa buhay nila.

Samantala, nakasama naman ng fans online ang The Gold Squad sa isang live watch party sa kanilang The Squad Plus YouTube channel habang ibinahagi ng cast members na sina Dimples Romana at Eula Valdes, kasama si Direk Manny Palo, ang kanilang reaksyon sa serye sa live gap show sa Kapamilya Online Live.

Subaybayan ang “Huwag Kang Mangamba” gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at WeTV iflix. Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Sing For Hearts’ ng GMA Network, pinakabagong kakikiligang singing competition

‘The Boobay and Tekla Show,’ wagi sa Best Choice Awards