in

Lovi Poe at Ben Alves, nagkakamabutihan na?

Nagkakamabutihan na nga ba sina Lovi Poe at Benjamin Alves? Siyempre on-screen lang ito bilang sina Sensen Guipit at Doc Migs Alcancia sa hit rom-com series na Owe My Love (OML).

Unti-unti na ngang nagkaka-palagayang loob sina Sensen at Doc Migs pero dahil napapansin na ito ni Trixie (Winwyn Marquez), agad gagawa ang huli ng paraan para mapaglayo ang loob ng dalawa. Aaakitin ni Trixie si Migs, at paniniwalain naman niya si Sensen sa isang malaking kasinungalingan.

Samantala, palpak ang plano ni Divina (Jackie Lou Blanco) na gamitin si Sensen para mapapirma si Lolo Badong (Leo Martinez) ng dokumentong maglilipat sa kanya ng kamayanan ng mga Alcancia. Tila ibabaling ni Divina ang kanyang galit kay Mema Eps (Nova Villa). Pero di pansin ni Mema Eps ang bad vibes ni Divina at sa halip, lalo pa siyang gaganahang ipakita ang pagmamahal kay Lolo Badong kahit na halos sumuko na ang kanyang katawan.

Hindi lang si Sensen at Migs ang tila mabubuwag, dahil mapapalitan ng paghihinala si Jenny Rose (Jelai Andres) kay Eddie (Jon Gutierrez). Mawawalan naman ng tiwala si Coring (Ruby Rodriguez) sa asawang si Oryo (Pekto Nacua) dahil sa isang nasirang pangako.

Magkakalabo-labo man ang relasyon ng mga Guipit, magkakaroong linaw naman sa wakas ang papel ni Doc Coops (Ryan Eigenmann) sa buhay ni Vida (Ai-Ai Delas Alas) na ikababahala ni Divina.

Solid pa rin sa kilig, katatawanan at aral sa buhay ang Owe My Love, Lunes hanggang Biyernes, 9:35 pm sa GMA Telebabad.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Kyline Alcantara: Self-love is real love

Jillian Ward, abala sa pag-aayos ng bahay