in

Jillian Ward, abala sa pag-aayos ng bahay

Matapos ang tagumpay ng GMA Afternoon Prime series na Prima Donnas, pinagtutuunan ngayon ng atensyon ng teen actress na si Jillian Ward ang pag-aayos ng kanilang second home sa Pampanga.

Sa Instagram, nagbigay siya ng latest update sa mga pinamiling appliances para rito. Kamakailan lang ay nai-tour rin niya ang mga fans sa bagong bahay na ito sa isang vlog sa kaniyang YouTube channel.

Dito, ipinakita ni Jillian ang kaniyang magiging kuwarto, “My room is really lit because I don’t like it very dark. Maybe I can place a sheer curtain here but my mom wants blinds. But I don’t want blinds. I also wanted to paint my ceiling with a sky or maybe some of Van Gogh’s paintings in there.”

Abang na abang na rin ang kaniyang fans sa inaasahang book two ng top-rating GMA Afternoon Prime series nilang Prima Donnas.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Lovi Poe at Ben Alves, nagkakamabutihan na?

Manilyn Reynes, may mami-miss sa ‘The Lost Recipe’