in

Aling Himig 11th Edition Entry kaya ang tatanghaling ‘Best Song’?

Bagong ‘Himig’ grand winner ang papangalanan sa Linggo (March 21) sa pagtatapos ng 11th edition ng pinakalamaking songwriting competition sa bansa, na mag-iiwan din ng panibagong batch ng mga makabuluhang kanta sa kasaysayan ng OPM.

Sa unang pagkakataon, makakatanggap ang winning composer ng house and lot mula sa Lumina Homes at P300,000 na cash prize. Mag-uuwi naman ng P200,000 ang 2nd placer, P150,000 ang 3rd placer, P100,000 ang 4th placer, at P80,000 ang 5th placer.

Makakatanggap din ang mananalo ng “Most Streamed Song,” “MYX Choice for Best Music Video,” at “MOR Entertainment Choice Award” ng tig-P25,000, habang may 1,000 USD naman ang “TFC’s Global Choice.” Malalaman din sa awarding ang nanguna sa botohan para sa “Himig TikTok Choice Award.”

Bukod sa performances ng top 12 interpreters, dapat abangan ang mga pagtatanghal sa Himig 11th finals night na iho-host ni Edward Barber kasama sina Jayda at Jona na magpe-perform din kasama ang ilan pang magagaling na OPM artists gaya nina Erik Santos, Sheryn Regis, Nyoy Volante, Bugoy Drilon, Liezel Garcia at Jed Madela.

Live na mapapanood ang inaabangang event 7 PM sa KTX.ph sa halagang P199 at susundan ng 10:30 PM delayed telecast at streaming sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, TFC Cable at Satellite IPTV, mga YouTube channel ng ABS-CBN Star Music, MYX Philippines, MOR Entertainment, at One Music PH, at ABS-CBN Music official TikTok account (@abscbnmusic).

Maglalaban-laban para sa Best Song sina Davey Langit ft. Kritiko para sa “Ang Hirap Maging Mahirap” ni Kenneth Reodica; Janine Berdin ft. Joanna Ang para sa komposisyon ni Joanna na “Bulalakaw”; ZILD para sa “Ibang Planeta” ni Dan Tañedo; Juris para sa “Ika’y Babalik Pa Ba” ni Jabez Orara; Moira Dela Torre at Agsunta para sa “Kahit Kunwari Man Lang” ni David Mercado; at Jeremy G at Kyle Echarri para sa “Kahit Na Masungit” nina John Francis and Jayson Franz Pasicolan.

Kasama rin sa top 12 sina Sam Mangubat para sa “Kulang Ang Mundo” ni Daryl Cielo; KZ Tandingan para sa “Marupok” ni Danielle Balagtas; FANA para sa “Out” ni Erica Sabalboro; bandang Kiss ‘N Tell para sa entry nilang “Pahina”; JMKO para sa “Tabi-Tabi Po” ni Mariah Moriones; at Zephanie para sa “Itinadhana Sa’Yo” ni SJ Gandia.

Sino sa mga finalists ang tatanghaling Best Song? Alamin sa Linggo (March 21) sa pagtutok sa #Himig11thEdition finals night sa iba’t ibang platforms. Para sa iba pang detalye, sundan ang https://www.facebook.com/Himig2020 sa Facebook.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

LOOK: Julie Anne San Jose at David Licauco, muling nagpakilig ng netizens!

Kuwento ng mga delivery rider, tampok sa ‘On Record’ ngayong Martes