in

Revelation scene nina Yasser Marta at Kyline Alcantara, pinuri ng netizens

Trending sa social media at umani ng papuri ang pag-amin ni Jun (Yasser Marta) kay Maggie (Kyline Alcantara) na hindi sila magkapatid sa GMA Afternoon Prime series na Bilangin ang Bituin sa Langit.

Talaga namang tinutukan ng netizens ang makapigil-hiningang eksena kahapon kung saan tuluyan nang isiniwalat ni Jun kay Maggie ang katotohanang hindi sila magkapatid at nangangahulugang hindi bawal ang kanilang pag-iibigan.

Naabutan naman nina Ansel (Zoren Legaspi) at Nolie (Mylene Dizon) na magkayakap ang dalawa at dito na rin nila natuklasan na hindi nga tunay na anak ni Ansel si Jun.

Bukod sa trending topic sa Twitter Philippines ang official hashtag ng episode na #BBLNoMoreLies, pinuri rin ng netizens ang acting nina Yasser at Kyline.

Ani ng isang netizen, “Bumilib ako kay Yasser dito. First lead role niya ito pero magaling na siya magdala ng mga eksena niya, may lalim ‘yung acting niya. Kudos to Yasser! And nagalingan ako sa team up nila ni Kyline. Magaling din kasi talaga magdala si Kyline ng kapartner niya sa drama.”

Tumutok lang sa huling linggo ng Bilangin ang Bituin sa Langit sa GMA Afternoon Prime.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Sumama kina Donny Pangilinan, Kristel Fulgar, Shine Kuk, at Robi Domingo sa South Korea sa ‘Aja! Aja! Tayo Sa Jeju’

Paulo Angeles, bubuksan muli ang puso ni Ina Raymundo sa ‘Ampalaya Chronicles’ ng iWantTFC