in

Teaser ng ‘Nagbabagang Luha,’ nagpasiklab online!

Usap-usapan sa social media ang ipinalabas na teaser ng upcoming GMA Afternoon Prime series na ‘Nagbabagang Luha’ tampok ang Kapuso stars na sina Glaiza de Castro at Claire Castro na nagpapalitan ng mabibigat na mga linya.

Tumatak agad sa netizens ang pagbitaw ni Glaiza ng salitang “ipalilibing kita” sa co-star. Gagampanan niya ang karakter ni Maita sa GMA adaptation ng classic ’80s movie na ibinase sa comic novel ni Elena Patron noong 1988. Damang-dama raw nila ang galit at emosyon sa mga mata ng aktres. Ayon pa sa isang netizen, nakita raw nila kay Glaiza si Pirena, ang iconic role niya sa telefantasya ng GMA ng Encantadia.

Makakasama rin nina Glaiza at Claire sa series sina Rayver Cruz, Mike Tan, Ms. Gina Alajar, Alan Paule, Archi Adamos, Myrtle Sarrosa, Royce Cabrera, Ralph Noriega, Karenina Haniel, Bryan Benedict, at Ms Jaclyn Jose sa isang espesyal na pagganap. Ang seryeng ito ay sa ilalim ng direksyon ni Ricky Davao.

Abangan ang nalalapit na pagsisimula ng pinakabagong programa na kahuhumalingan tuwing hapon, ang ‘Nagbabagang Luha’ sa GMA-7.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Kelvin Miranda, from “raket” to award-winning roles

‘All-Out Sundays,’ mapapanood na rin sa GTV!