in

‘Las Hermanas,’ bagong aabangang Kapuso drama

Nitong Lunes (March 15) ay naganap na ang virtual script reading ng powerhouse cast ng upcoming GMA Afternoon Prime series na Las Hermanas.

Kabilang sa cast ang nagbabalik-Kapuso at seasoned actor na si Albert Martinez. Makakasama rin niya ang mahuhusay na Kapuso stars na sina Yasmien Kurdi, Thea Tolentino, Faith da Silva, at Jason Abalos.

Maraming netizens naman ang excited nang makilala ang iba pang artistang bibida sa Las Hermanas at inaabangan na rin nila ang magiging kwento ng bagong Kapuso drama series.

Ang Las Hermanas ay sa ilalim ng direksyon ni Monti Parungao.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Record-breaking! Pilot episode ng ‘First Yaya,’ winner na winner

LOOK: Sophie Albert, ganap nang mommy!