in

Botohan para sa ‘Himig Tiktok Choice Award’ at iba pang special awards, tuloy-tuloy hanggang March 15

Magtatapos na ang Himig 11th Edition, ang pinakamalaking songwriting competition sa bansa hatid ng ABS-CBN, pero pwede pang magpakita ng suporta ang fans para sa paborito nilang finalists sa pamamagitan ng pagboto sa kanila sa “TikTok Choice Award” at iba pang special awards hanggang sa Lunes (March 15).

Gaya ng ibang special recognitions, ang mananalo ng #HimigTikTokChoiceAward ay malalaman base sa kung sino ang nakatanggap ng pinakaraming boto sa mga finalist.

Para bumoto, mag-log in lang sa TikTok, pumunta sa https://bit.ly/2N1B4L1, hanapin ang napili mong finalist, at i-click ang ‘Vote’. Kada TikTok user ay pwedeng bumoto ng tatlong beses sa isang araw pero bawat boto ay dapat ilaan sa magkakaibang finalist.

Samantala, unang mapapanood ang #Himig11thEdition’s finals night—na iho-host nina Jayda, Jona, at Edward Barber tampok ang guest performances mula kina Erik Santos, Kyla, Jona, Jayda, Sheryn Regis, Nyoy Volante, Bugoy Drilon, Elha Nympha, Jed Madela, at Jolina Magdangal kasama ang mga bagong breed ng singer-songwriters na sina SAB, Lian Kyla, Trisha Denise, at Angela Ken—via livestream sa KTX.ph, 7 PM sa March 21 (Linggo). Pwede pa ring bumili ng tickets dito sa halagang P199.

Susundan ito ng delayed telecast pagsapit ng 10 PM sa mga sumusunod na platforms: Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, TFC Cable and Satellite IPTV, mga YouTube channel ng ABS-CBN Star Music, MYX Philippines, MOR Entertainment, at One Music PH, at sa ABS-CBN Music official TikTok account (@abscbnmusic).

Malalaman na rin ang mananalo ng inaabangang Best Song sa awarding ceremony, na napanalunan ni Dan Tañedo noong 2019 para sa “Mabagal” na inawit nina Moira Dela Torre at Daniel Padilla, at ni Kyle Raphael Borbon noong 2018 para sa “Sa Mga Bituin Na Lang Ibubulong” na kinanta ni JM de Guzman.

Ang iba pang special awards na pwedeng mapanalunan sa finals night ay ang “TFC Global Choice Award,” “MOR Entertainment Choice Award,” at “MYX Choice for Best Music Video”—kung saan 30% ng criteria for judging ay manggagaling sa kabuuang views ng official music videos ng mga finalist.

Binubuo ang Himig 11th edition finalists nina Davey Langit ft. Kritiko para sa “Ang Hirap Maging Mahirap” ni Kenneth Reodica; Janine Berdin ft. Joanna Ang para sa komposisyon ni Joanna na “Bulalakaw”; ZILD para sa “Ibang Planeta” ni Dan Tañedo; Juris para sa “Ika’y Babalik Pa Ba” ni Jabez Orara; Moira Dela Torre at Agsunta para sa “Kahit Kunwari Man Lang” ni David Mercado; at Jeremy G at Kyle Echarri para sa “Kahit Na Masungit” nina John Francis and Jayson Franz Pasicolan.

Kasama rin sa top 12 sina Sam Mangubat para sa “Kulang Ang Mundo” ni Daryl Cielo; KZ Tandingan para sa “Marupok” ni Danielle Balagtas; FANA para sa “Out” ni Erica Sabalboro; bandang Kiss ‘N Tell para sa entry nilang “Pahina”; JMKO para sa “Tabi-Tabi Po” ni Mariah Moriones; at Zephanie para sa “Itinadhana Sa’Yo” ni SJ Gandia.

Alamin kung sino ang mag-uuwi ng Best Song at iba pang special awards sa #Himig11thEdition finals night sa March 21 (Linggo), at iboto ang paborito mo hanggang sa March 15 (Lunes)! Para sa iba pang detalye, sundan ang https://www.facebook.com/Himig2020 sa Facebook.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Agaw-pansin na Pinoy movies, tampok sa Cinema One YouTube channel

Alex Diaz, bilib sa professionalism ni Yasser Marta