in

Agaw-pansin na Pinoy movies, tampok sa Cinema One YouTube channel

Handog ng Cinema One YouTube channel ngayong buwan ang libreng access sa apat na pelikulang sumasalamin sa iba’t ibang isyu ng lipunan, ang “Historiographika Errata,” “Ka Oryang,” “Si Magdalola at Ang Mga Gago,” at “Bente.”

Mapapanood sa 2017 Cinema One Originals film na “Historiographika Errata” sina Joem Bascon, Alex Medina, Max Eigenmann, at Nathalie Hart sa kakaibang kwento ng isang suicidal na Rizal, cross-dressing na Bonifacio, dating Katipunero na mapapabilang sa US army para iligtas ang sarili, at isang balo na magiging unang Makapili.

Samantala, isang dalaga naman ang masasaksihan ang pagsisimula ng rebolusyon sa panahon ng martial law sa pelikulang “Ka Oryang.” Bida rito si Alessandra de Rossi at kasama niya rito sina Joem, Emilio Garcia, at Angeli Bayani.

Mga nagtutulak ng droga ang tila iistorbo sa tahimik na buhay sa bundok ng isang mangkukulam at kanyang apo sa pelikulang “Si Magdalola at Ang Mga Gago.” Pinangungunahan nina Peewee O’Hara, Rhen Escaño, Gio Gahol, at Josh Bulot ang nakakabagabag na crime drama na ito.

Isa ring nakakapukaw na kwento ang hatid ng “Bente,” na pinagbibidahan nina Richard Gomez, Snooky Serna, at Jinggoy Estrada. Tungkol ito sa isang radio commentator na may hidwaan sa dating kaklase na ngayon ay town mayor na. Kasabay nito ang kwento ng isang aktibista na kinakailangang tumakas kasama ang kanyang nobya at nakatahi rin dito ang kwento ng isang dating myembro ng militar na ngayon ay mamamatay-tao na.

Panoorin ang “Historiographika Errata” hanggang Marso 30, “Ka Oryang” hanggang Abril 6, “Si Magdalola at Ang Mga Gago” similar Marso 17 hanggang Abril 6, at “Bente” mula Marso 24 hanggang Abril 20 sa Cinema One YouTube channel.

Mapapanood din ngayong Marso 12 ang comedy na “Elvis and James” tungkol sa school adventures ng matalik na magkaibigan na sina Elvis Presto at James Dacuycoy at pinagbibidahan nina Joey de Leon, Rene Requiestas, at Maricel Laxa. Susundan ito ng “Elvis and James 2” sa Marso 26, kasama sina Joey, Rene, at Regine Velasquez.

Para sa karagdagang impormasyon, i-like ang Cinema One sa Facebook at sundan ang @c1nemaone sa Twitter at @cinemaonechannel sa Instagram. Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.-

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Pangmalakasang world-class performances tampok sa ‘ASAP Natin ‘To’

Botohan para sa ‘Himig Tiktok Choice Award’ at iba pang special awards, tuloy-tuloy hanggang March 15