in

‘War of the Century’ sa ‘Ang Sa Iyo Ay Akin,’ tinutukan ng mga Pinoy

Tinutukan at kinabiliban ang pinakaabangang ‘War of the Century’ at acting showdown sa pagitan ng mga premyadong aktres na sina Jodi Sta. Maria, Iza Calzado, Rita Avila, at Maricel Soriano sa “Ang Sa Iyo Ay Akin” nitong Huwebes (Marso 11) ng gabi.

Tuluyan nang naubos ang pasensya ng mag-ina na sina Nanay Lucing (Maricel Soriano) at Marissa (Jodi Sta. Maria) nang makatanggap ng subpoena para sa diumano’y pag-espiya sa Ceñidoza at sinugod sina Ellie (Iza Calzadao) at Belen (Rita Avila) para makipagtuos.

“Nagawa mong ipapatay si Jacob noon at ni katiting na pagsisisi hindi ko nakita sa iyo! Kung alam ko lang na ganyan ka ka-demonyo, e di sana matagal na kitang pinapatay sa dinami-dami ng panahon na pinalagpas ko!” sumbat ng nanginginig sa galit na ni Marissa kay Ellice.

Nauna nang ipinagtapat ni Marissa kay Nanay Lucing ang tunay na katauhan ni Jake (Grae Fernandez) at ang kinalaman ni Ellice sa pagkamatay ng tunay na Jacob. “Marissa, oras na para harapin si Ellice, para mabigyan ng linaw ang lahat ng atraso niya sa atin,” udyok ni Nanay Lucing sa anak.

Samantala, dala ng matinding galit sa kanyang natuklasan tungkol sa mga nagawa ni Ellice, tuluyan nang iniwan ni Gabriel (Sam Milby) ito, kahit anong pagmamakaawa nito sa kanya.

Sumabog naman ang social media sa dami ng papuri sa natunghayan na kumprontasyon ng manonood. Umani ng magagandang comments ang apat na aktres sa husay ng kanilang pag-arte.

Tweet ni @ImNotthatScary, “This 4-way-slapping frenzy is one for the record books, definitely going to be remembered as one of the most explosive moments on local tv. Grabe ang gagaling. Iza Calzado, Jodi Sta. Maria, and Ms. Maricel Soriano. #ASIAAWarOfTheCentury.”

Wish ni @CristianCofino2, “Hindi kami nagsisisi na naging fan kami nang #AngSaIyoAyAkin, lalo na yong nanay na laging galit kay Belen at Caesar hahahaha. Kudos, Team ASIAA. beke nemen magawan nang paraan yong book 3. And ang bitin kasi parang nasa book 1 pa nga actually ngayong ep #ASIAAWarOfTheCentury.”

“That was so intense! I could watch it over and over again without getting tired @MissIzaCalzado @JodiStaMaria @DiamondStarNews,” sad ni @Marjoriecathriz

Saloobin naman ni @MamuOlivias, “#ASIAAWarOfTheCentury Grabe, ang intense! Ang sampalan na kumabog sa lahat ng sampalan sa balat ng telebisyon! Nanay Lucing lang ang sakalam! Team Marissa here!”

Tweet ni @JanKeerbee, “From Day 1, I always commended the stellar cast of this series. Now, nadagdagan na ang mga naaabot nila sa huling dalawang linggo. This episode showed off how brilliant the actresses and actors of #ASIAAWarOfTheCentury! Walang magpapakabog!”

Hanggang saan aabot ang away ng dalawang pamilya? Tuluyan na kayang kainin ng galit si Ellice? Ano naman ang mga binabalak pa ni Caesar ngayong napagtagumpayan niyang palalain ang awayng ng dalawa?

Ang “Ang Sa Iyo Ay Akin” ay likha nina Julie Anne Benitez at Dindo C. Perez.

Tutukan ang huling anim na araw ng hit serye gabi-gabi, 8:40 PM sa A2Z channel at TV5.

I-scan lang ang digital TV boxes para mahanap/hanapin ang A2Z channel na mapapanood sa Metro Manila at ilang bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, at Pampanga.

Palabas rin ito sa Kapamilya Channel sa cable at satellite TV (SKYcable channel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, Cignal channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa).

Mapapanood din ito Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, TFC, at iWant TFC app oiwanttfc.com. Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin angwww.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Katatagan ng mga babae, ibabandera ng ‘MMK’

Liezel Lopez at Rodjun Cruz, mabigat ang roles sa ‘#MPK’