in

Liezel Lopez at Rodjun Cruz, mabigat ang roles sa ‘#MPK’

Kaabang-abang ang pagganap ng Kapuso artists na sina Liezel Lopez at Rodjun Cruz sa panibagong episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman na “The Abused Pregnant Wife” ngayong Sabado (Marso 13).

Isasabuhay nila ang kuwento ng isang buntis na babae na paulit-ulit inaabuso ng kanyang asawa at ng pamilya nito. Gaganap si Liezel bilang Aila na noong nagdadalaga ay na-diagnose na may polycystic ovarian syndrome. Dahil dito, maaga niyang natanggap na mahihirapan siyang magkaroon ng sariling mga anak.

Laking tuwa na lamang nila ng nobyong si Randy (Rodjun) nang malaman na nagbunga na ang kanilang pag-iibigan. Kahit na tutol ang pamilya sa kanilang relasyon, tatalikuran ito ni Aila para makasama ang minamahal na lalaki.

Ngunit, makakaranas ng iba’t ibang klase ng pang-aabuso si AIla sa poder ng pamilya ni Randy. Paano kaya mapapanatiling ligtas ni Aila ang sanggol na dinadala niya?

Makakasama rin nina Liezel at Rodjun sa episode na ito sina Glenda Garcia, Gilleth Sandico at Elle Ramirez.

Abangan ang kapana-panabik na kuwentong ito ngayong Sabado, March 13, 8:00 pm sa ‘#MPK.’

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘War of the Century’ sa ‘Ang Sa Iyo Ay Akin,’ tinutukan ng mga Pinoy

Pangmalakasang world-class performances tampok sa ‘ASAP Natin ‘To’