in

Katatagan ng mga babae, ibabandera ng ‘MMK’

Sa paggunita ng “MMK” sa women’s month, bibida si Angeline Quinto bilang si Rebecca sa isang kuwentong magpapatunay na kayang makipagsabayan ang mga kababaihan kaninoman at pagtagumpayan ang matitinding hamon ng buhay ngayong Sabado (Marso 13).

Lumaki si Rebecca na sinapuso ang turo ng kanyang inang si Conching (Irma Adlawan) na dapat unahin ang solusyon bago emosyon at reklamo. Dahil may sampu pa siyang kapatid, alam ni Rebecca na kailangan niyang tulungan ang ina para sa kanilang pamilya lalo na isang lasenggero ang kanyang amang si Arong (Lito Pimentel) pati na ang kanyang ibang matatandang kapatid.

Tumulong siya sa ina na magbenta ng isda at mamasukan para mapagpatuloy ang pag-aaral. Ngunit mas naging mas mahirap ang kanilang buhay nang mamatay ang kanyang kapatid at magkaroon ng lung cancer ang ina.

Pero sa halip na magmukmok, nagsumikap pa rin si Rebecca para itaguyod ang pamilya at naging CEO siya ng sarili niyang kompanya.

Alamin kung paano nalampasan at pinagtagumpayan ni Rebecca ang mga nasabing pagsubok at sa iba pang dumating na dagok sa buhay sa “MMK” na mapapanood sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live YouTube channel at ABS-CBN Entertainment Facebook page, TFC, at iWantTFC .

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o visitwww.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Separada’ ni Maricel Soriano, palabas sa Ricky Lee Festival ng ABS-CBN Film Restoration sa KTX

‘War of the Century’ sa ‘Ang Sa Iyo Ay Akin,’ tinutukan ng mga Pinoy