in

Judy Ann Santos, magbibigay-pugay sa mga kababaihan sa ‘Paano Kita Mapasasalamatan’

Tatag at tapang ng mga kababaihan ang bibigyang pugay ni Judy Ann Santos-Agoncillo sa “Paano Kita Mapasasalamatan” ngayong Sabado (Marso 13) kung saan itatampok ang mga kwento ng isang babaeng sundalo at tatlong masisigasig na ina para sa pagdiriwang ng National Women’s Month.

Sa episode, kikilalanin ang apat na babaeng nakahanap ng pagmamahal at suporta sa isa’t isa sa kabila ng paghihirap nila sa buhay – patunay na kayang kayang baguhin ang sariling kaparalan basta’t may kaagapay sa pagharap ng mga pagsubok.

Maghahatid ng inspirasyon ang mga miyembro ng Coast Guard Angels Charity na sina Seaman First Class Commissary Steward Perlas Galdonez, na miyembro ng Philippine Navy, at Jelly Gotladera, ang pinuno ng organisasyon. Pareho mang iniwan ng kanilang mga ina noong pagkabata, bitbit nila ang kanilang karanasan upang tumulong sa mga nangangailangan sa pamamagitan ng kanilang charity.

Muntik na ring sukuan ni Marian Fabila ang buhay noong kinailangang niyang itaguyod nang mag-isa ang anak at pinagdaanan ang matinding depresyon matapos siyang iwan ng nakabuntis sa kanya at maging isang ganap na single mother.

Hindi naman masusukat ang pagmamahal ni Minda Alie para protektahan at mahalin ang bunsong anak na may cerebral palsy para itaguyod ang special needs nito.

Alamin kung paano magkadugtong ang kanilang mga kwento at humugot ng inspirasyon mula sa kanila sa “Paano Kita Mapasasalamatan” ngayong Sabado (Marso 13), 7 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live YouTube channel at ABS-CBN Entertainment Facebook page, TFC, at iWantTFC

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Centerstage,’ inaabangan tuwing Linggo

Kelvin Miranda, umamin na kay Mikee Quintos!