in

‘With a Smile’ cover ni Lovi Poe, available na sa audio streaming platforms

Simula ngayong March 10, mapapakinggan na sa iba’t ibang digital streaming platforms ang “With a Smile” cover ng Owe My Love lead actress na si Lovi Poe.

Sa interview niya with GMANetwork.com, ibinahagi ni Lovi na isa ang “With a Smile” sa mga paboritong awitin niya ng iconic rock band na Eraserheads. “Isa ‘yan sa mga paborito kong songs ng Eraserheads. So the fact na nabigyan ako ng pagkakataon to have my own version of it, talagang sobrang nagpapasalamat ako,” aniya.

Para kay Lovi, akmang-akma ang awiting ito sa pinagdaraanan ng mga Pilipino na nakangiting hinaharap ang pandemya at sakuna. “When I was recording, it just felt so perfect for Owe My Love at sa sitwasyon na pinagdadaanan natin ngayon. So hindi mo maiiwasan na may konting kirot na mararamdaman habang nagre-record ka ng ‘With A Smile.’ I think it’s just a great reminder for everyone na kahit we’re going through a tough situation now at things have been very challenging for us, lahat naman tayo, puwede nating idaan sa ngiti, and then, there’s always a solution for everything.”

Samantala, maraming dapat abangan ngayong linggo sa Owe My Love kaya samahan sina Sensen (Lovi) at Doc Migs (Benjamin Alves) gabi-gabi, 9:35 p.m., sa GMA Telebabad.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

GMA Network, patuloy sa paghahatid ng magagandang programa

Alden Richards, Sofia Pablo, at Jennylyn Mercado wagi sa 2nd Village Pipol Choice Awards