in

Jeepney TV, humakot na ng 1 Million YouTube Subscribers

Bagong digital milestone ang naabot ng Jeepney TV matapos nitong makakuha ng 1 million YouTube subscribers na patuloy na sumusubaybay at binabalik-balikan ang mga tumatak na programa ng ABS-CBN sa nasabing video-sharing platform.

Kasama sa bagong tagumpay ng Jeepney TV ang pagkamit ng 273 million lifetime views sa YouTube channel nito, isang tagumpay na kasunod ng pagkilala sa ABS-CBN Entertainment bilang most subscribed at most viewed YouTube channel sa Southeast Asia sa 32.9 million subscribers nito.

“Buong puso ang pasasalamat namin sa mga ka-Jeepney na nagbibigay-suporta hindi lang sa ere kundi nagtutulak din para lumawak ang presensya ng Jeepney TV online. Patuloy kaming hahanap ng paraan para ihatid ang legacy ng ABS-CBN sa pamamagitan ng mga walang kupas na programang magbibigay-inspirasyon at saya sa mga manonood,” paglalahad ni Jeepney TV channel head Cindy de Leon.

Talagang hindi pa rin nawawala ang pagmamahal ng mga Kapamilya viewers sa mga ABS-CBN teleseryes, sitcoms, at fantaseryes gaya ng “Lastikman,” “Agua Bendita,” “Marina,” “Kampanerang Kuba,” “Home Along Da Riles,” sa panonood nila ng kumpletong episodes ng mga ito na naka-upload sa Jeepney TV YouTube channel.

Samantala, ilan pang patunay ng pag-arangkada ng Jeepney TV sa digital ay ang Facebook page nito na sa ngayon ay may mahigit 4.2 million followers na, Instagram page nitong may mahigit 105K followers, at TikTok account na may 543.3K followers. Naghahanda na rin ito para sa nalalapit na paglulunsad ng sariling channel sa Pinoy livestreaming app na kumu na magtatampok ng eksklusibong content mula sa mga Kapamilya classics at mga orihinal na digital show.

Inilunsad ang Jeepney TV bilang cable TV channel noong 2012 na layuning magpalabas ng mga minahal at paboritong Kapamilya TV show at pelikula. Mula noon, nagsimula rin itong magprodyus ng original programs at binuhay muli ang mga popular na Kapamilya format tulad ng pambansang game show na “Game KNB?” na napapanood araw-araw pagsapit ng 12 ng tanghali sa Jeepney TV, GKNB Channel sa kumu, FB Live, TFC IPTV, at myxtv Global kasama ang host nito na si Robi Domingo. Simula naman ngayong buwan, nag-umpisa na ring umere sa channel ang FYE channel original programs na “Kumu Star Ka” at “Magandang Kabuhayan.”

Panoorin ang Jeepney TV sa SKYcable channel 9, GSAT channel 55, Cignal channel 44, at sa iba pang major provincial cable systems sa buong bansa. Para sa iba pang detalye, sundan ang Jeepney TV sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok, at mag-subscribe sa YouTube channel nito.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Ina Raymundo, may bagong movie, Sarah G Film Concert at ‘Dito at Doon’ nasa iWantTFC ngayong Marso

DA HU!? Talent manager na broken hearted, malapit nang layasan ng alagang aktor