in

Kaya pala iba ang feel… Lovi Poe at Benjamin Alves, humugot sa K-drama para sa ‘Owe My Love!’

Sa interview sa IJuander, inamin ng Owe My Love lead stars na sina Lovi Poe at Benjamin Alves na nakahiligan na raw nila pareho ang panunuod ng K-Drama. In fact, ginawa raw nila itong inspirasyon para sa kanilang GMA Telebabad series.

“I watched ‘Crash Landing On You’ as my first K-drama and since then, wala na, hindi na ako tumigil. Instantly, no fail, yung mga K-drama nagiging paborito ko sila at that very moment,” share ni Lovi.

Si Ben naman, nagandahan sa ‘Reply 1988.’ “Favorite ko is ‘Reply 1988.’ For sure, yun po ang number 1 para sa akin. ‘Yung mga tema po nila sa mga subject, Pinoy na Pinoy talaga.”

Bilang paghahanda naman para sa kanyang karakter sa OML as Doc Migs Alcancia, pinanuod daw ni Ben ang “Dr. Romantic” and “Hospital Playlist.” “Ni-recommend sa akin ni Lovi na panuorin dito is Dr. Romantic, Hospital Playlist kasi parehas ang treatment and medyo light lang sila.”

Si Lovi naman ay nanuod din ng iba’t ibang K-dramas para sa kanyang character na si Sensen Guipit. “Binigyan ako ng tip na manuod ng K-drama kasi parang ganun ang atake ng TV show namin na Owe My Love. I made sure na manuod talaga ako para matuto ako,” aniya.

Bukod sa kilig na dala nina Lovi at Ben, lutang din ang galing sa pag-arte ng buong cast ng serye. Maraming viewers ang nakaka-relate sa OML na umiikot sa pamilya at usaping pera. Creative rin ang mga gimmick per episode kaya naman patuloy ang pagtaas ng ratings nito gabi-gabi.

Ngayon ngang nagkaroon na ng bagong kontrata sa pagitan nina Sensen at Doc Migs, expect more kilig talaga dahil magpapanggap na silang mag-asawa. Pero siyempre di pa rin papaawat ang mga kontrabidang sina Divina (Jackylou Blanco) at Trixie (Winwyn Marquez).

Subaybayan ang kuwento ni Sensen at Doc Migs sa OML tuwing 9:35 ng gabi sa GMA Telebabad.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Lance Busa, inuuna ang sarili sa bagong single na ‘Ako Muna’

‘Kumu Star Ka’ at ‘Magandang Kabuhayan’ mapapanood na sa Jeepney TV