in

Mga nagbabagang world-class performances, tampok ngayong Linggo sa ‘ASAP Natin ‘To’

Sisimulan ng “ASAP Natin ‘To,” ang longest-running musical variety show sa bansa ang tag-init sa paghahandog ng mga world-class performance at sorpresa mula sa mga bigating Kapamilya stars at guests ngayong Linggo (Pebrero 28).

Paiinitin nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang ASAP stage sa kaniya-kaniyang performance na handog sa mga minamahal nilang fans worldwide.

Matinding dance showdown naman ang dapat abangan ngayong dahil magpapatalbugan on-stage sina Maymay Entrata, AC Bonifacio, at ang dance royalty na si Kim Chiu.

Makikanta sa mga hottest young OPM artist na sina Kyle Echarri, at Darren Espanto. Hindi rin pahuhuli ang new breed of ASAP singers na sina Sam Cruz, KD Estrada, Anji Salvacion, at Diego Gutierrez, kasama ang Your Face Sounds Familiar contender na si Geneva Cruz.

Handa namang pakiligin ng cast ng “He’s Not Into You” na sina Donny Pangilinan, Belle Mariano, Kaori Oinuma, Rhys Eugenio, at Vivoree Esclito.

Patuloy naman ang dagsa ng mga hot-na-hot musical numbers sa tagos-pusong jamming session nina Kyle Echarri, Jeremy Glinoga, JMKO, Agsunta, and Moira dela Torre para simulan ang selebrasyon ng Himig 11th Edition.

May sorpresa rin ngayong Linggo si Ogie Alcasid dahil magpapasaya sina Ban Sot Mee at Eydie Waw, kasama ang mga ASAP dance idol na sina Maymay, Vivoree, Jeremy, Enchong Dee, Jin Macapagal, Aljon Mendoza, at Karina Bautista.

Sisiklab naman ang vocal showdown ng mga singing royalties na sina Erik Santos, Sheena, Janine Berdin, Elha Nympha, iDolls, Nina, Klarisse de Guzman, Bamboo, Angeline Quinto, Martin Nievera, at Zsazsa Padilla.

Huwag palampasin ang mga maiinit na collab ni Mr. Pure Energy, Gary Valenciano, kasabay sina Enchong, AC, at Joshua Garcia, pati ang pasabog na musical number nina Morisette at Asia’s Songbird Regine Velasquez.

Panoorin ang mga hot-na-hot performance na ito sa longest running Sunday musical variety show, “ASAP Natin ‘To,” ngayong Linggo (Pebrero 28), 12 ng tanghali sa Kapamilya Channel (SKYcable channel 8 SD at channel 167 HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, at Cignal channel 22), Kapamilya Online Live, at A2Z (sa analog at digital TV).

Mapapanood pa rin ang ASAP sa TV5, at worldwide naman sa iWantTFC at TFC.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Mother-Son tandems, makikisaya sa ‘Game of the Gens’

MayWard, Francine Diaz, Donny Pangilinan, Arjo Atayde, at Gary Valenciano, Kapamilya pa rin