Mapapakinggan na ang stripped version ng kantang “Sa’yo” mula sa teen pop artist na si Jeremy G na iprinodyus ng Old School Records.
Unang inilabas ang kanta tungkol sa one-sided na pag-ibig noong 2019 bilang bahagi ng “After Dark ‘2nd Hour’” EP ni KIKX Salazar. Nanalo ito ng “Best R&B Recording” sa 33rd Awit Awards noong isang taon, na ayon kay Jeremy ay isang “great recognition.”
“Thank you Kuya @kikxsalazar. I remember the time that you sent me this song, my first original, through a private DM and the first time I met you at the recording studio. I am eternally grateful,” aniya sa isang Instagram post.
Ayon kay KIKX, naglabas sila ng stripped-down version ng kanta para mabigyan ito ng bagong flavor. “‘Yung vocals ni Jeremy dito mas intimate at sensitive na nakadagdag sa emotional feels ng kanta.”
Sa ngayon, mayroon nang mahigit 1 million streams sa Spotify ang “Sa’yo” at 330,000 combined views naman sa YouTube.
December 2020 nang i-release ng “The Voice Teens PH” alum ang kantang “Ngayong Pasko,” at naging special guest din siya nitong Pebrero 6 sa kauna-unahang “YouTube Music Night” sa Southeast Asia na “Love, Jona.”
Ang Old School Records ang pinakabagong ABS-CBN Music label na pinangungunahan ni KIKX na naglalayong maghatid ng mga kantang may tunog ’70s, ’80s, at ’90s na may makabagong twist. Ilan sa mga kantang ini-release ng label kamakailan ang “Pwede Na Ba” ni KVN, “All About You” ni Chloe, at “Itatago Na Lang” ni RJZON.
Damhin ang sakit ng binabalewalang pag-ibig sa pakikinig ng stripped version ng “Sa’yo” nina Jeremy at KIKX sa iba’t ibang digital music platforms. Para sa iba pang detalye, sundan ang Old School Records sa Facebook, Twitter, atInstagram.