in

Ken Chan at Rita Daniela, nag-uumapaw ang ka-sweet-an!

Sumabak sa isang compatibility test ang Kapuso love team at ‘Ang Dalawang Ikaw’ stars na sina Ken Chan at Rita Daniela sa pamamagitan ng pagsagot sa ilang questions tungkol sa kanilang buhay at career.

Ibinahagi nina Rita at Ken na sa Sunday variety show na Party Pilipinas sila unang nagkita. Kuwento pa ng aktor, noon pa lang daw ay naramdaman na niya agad ang posibilidad na magkaroon sila ng love team. “Nu’ng nagkita kami sa Party Pilipinas, sinabi ko sa kanya, ‘bagay tayo, puwede tayo maging love team.’ Hala, nagkatotoo nga,” ayon kay Ken.

Nagpaulan naman ng kilig vibes ang dalawa sa pangalawang tanong kung saan hindi nasagot ng tama ni Rita ang tanong kung ano ang pinaka-ayaw na pagkain ni Ken. Bilang parusa, kailangang halikan ni Rita ang isang paboritong parte ng katawan ni Ken at ito ang talukap ng kanyang mata dahil ito raw ay “maganda” at “super expressive.”

Samantala, sasabak naman sa mas mature roles sina Rita at Ken sa kanilang upcoming Kapuso series na Ang Dalawang Ikaw kung saan gaganap bilang mag-asawa ang dalawa. Sa serye ay bibigyang-buhay ni Ken ang katauhan ni Nelson, isang lalaki na may dissociative identity disorder (DID) o may multiple personalities. Gagampanan naman ni Rita ang papel ni Mia, asawa ni Nelson.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Chef JR Royol, thankful sa magandang feedback na natanggap ng ‘Farm To Table’

Controversial movie na ‘Tililing,’ lalabas na sa sinehan at Vivamax ngayon Marso 5