in

Kelvin Miranda, natupad na ang pangarap na billboard sa EDSA!

Sunod-sunod ang blessings na natatanggap ng The Lost Recipe star na si Kelvin Miranda. Marami ang nakapansin sa kanyang napakaganda at bonggang billboard bilang endorser ng isang clothing at lifestyle brand sa EDSA.

Inamin ni Kelvin — na kilala rin ngayon as Chef Harvey dahil sa kanyang hit show — na bata pa lang siya ay curious na siya kung ano ang pakiramdam na magkaroon ng billboard.

“Sa totoo lang po, mula noong bata ako iniisip ko kung ano’ng pakiramdam na magkaroon ng billboard at nasagot lamang ang katanungan na ‘yun gawa nitong billboard sa Bench,” ani Kelvin.

Natatawa pang inamin ni Kelvin na napa-wow siya nang makita ito. “Kakaiba ‘yung pakiramdam dahil namangha ako sa sarili nang makita ko sa EDSA ‘yung billboard ko.”

Samantala, patuloy pa ring namamayagpag sa ratings at sa social media ang The Lost Recipe kung saan kasama niya si Mikee Quintos. Kanya-kanyang theory ang viewers at netizens kung ano ang mangyayari sa serye dahil sa dami ng twists at revelations nito!

Panoorin ang kapana-panabik na kuwento ng The Lost Recipe, 8:15 p.m. sa GTV.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Sampalang Heaven Peralejo at Barbie Imperial, mangyayari na sa ‘Bagong Umaga’

Star-studded ‘Kapamilya Strong’ event tickets, ubos agad sa KTX.ph