in

‘Centerstage,’ pasabog ang episode tuwing Linggo

Laging pasok sa trending list tuwing Linggo ang reality kiddie singing competition ng GMA Network na ‘Centerstage’ dahil sa mas tumitinding labanan ng aspiring Bida Kids.

Sa nakaraang episode, bilib na bilib ang Kapuso viewers sa pinakabagong grand finalist na si Colline Salazar dahil sa kaniyang powerful performance ng kantang ‘Memory.’ Umani ito ng positive feedback mula sa netizens na talaga namang nakatutok sa kani-kanilang mga tahanan.

Inuulan din ng papuri ang programa online dahil sa husay ng concept pati na rin ang galing ng mga hosts at judges. Sey pa ng mga manonood sa social media, “Sulit ang panonood ng Centerstage! The set, the talented kids and the versatile at gwapong host!”

Dagdag pa ng iba, “Kudos to Centerstage for giving equal opportunities to kids.”

Samantala, excited na rin ang Centerstage fans sa grand reveal ng kanilang virtual set na first time masasaksihan sa Philippine TV. Simula February 28, gagamit na ng makabagong teknolohiya ang show para patuloy na maghatid ng world class entertainment para sa mga Kapuso.

Buong pagmamalaki ng host na si Asia’s Multimedia Star Alden Richards, “Another first na naman ‘to, another breakthrough ng GMA, the first television show to use a virtual set. ‘Yung virtual set kailangan abangan nila ‘yan.”

Huwag na huwag palalampasin ang mas pinabonggang ‘Centerstage’ simula ngayong Linggo, Pebrero 28, pagtapos ng Daig Kayo Ng Lola Ko sa GMA-7.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Prima Donnas,’ nakatanggap ng papuri mula sa GMA Network boss

Quincy Villanueva, lumisan na sa ‘PBB,’ Yamyam Gucong at Fumiya Sancai, muling ‘Kumunect’ kay Kuya