in

Bagong channel ng Kapuso, inaabangan na!

Tuloy ang pag-arangkada ng GMA Network ngayong 2021!

Bukod sa sunud-sunod ang mga bagong programang pinakikila nito ay inaabangan na rin ang malaking pagbabago sa isa pa nitong free-to-air channel na GMA News TV simula February 22.

Nagsimula nang umere ang teaser tungkol dito kung saan makikita ang pasilip sa bagong channel logo.

Ayon pa sa teaser, “A big change is about to happen and it’s gonna be good.”

Tila nga senyales na rin ng nasabing “big change” ang mga bagong show na ipinakilala nitong simula pa lang ng taon. Isa sa mga malaking program launch ng GMA News TV ay ang fantasy-romance series na “The Lost Recipe” na patok na patok ngayon sa viewers. Nariyan din ang romance fantasy anthology na “My Fantastic Pag-ibig” na hit sa mga young at young-at-heart. Ang all-original comedy game show na “Game of the Gens,” target din ang manunuod from various generations.

Ang balita namin ay patuloy ring mapapanood dito ang mga inaantabayanang newscasts, documentaries, at lifestyle shows. Kaabang-abang talaga ito at siguradong good news ito para sa marami!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Bugoy Drilon, ramdam ang pagsubok ng pag-ibig sa bagong music video

Grae Fernandez at Kira Balinger, nagtanan na sa ‘Ang Sa Iyo Ay Akin’