Pumalo na sa limang milyong views ang nakuha ng trailer ng bagong pelikula nina Coco Martin at Angelica Panganiban na “Love or Money” sa Facebook, Twitter, at YouTube sa loob lamang ng tatlong araw habang nabibili na ang tickets nito sa iWantTFC.
Maaari nang kumuha ng early bird ticket hanggang Marso 11 sa halagang P200 para sa iWantTFC users sa Pilipinas at USD3.99 naman sa ibang bansa. Mapapanood na ito worldwide simula Marso 12.
Ngayong Pebrero naman, pwedeng pwede pa ring mag-movie date kasama ang digital boys’ love movie “Hello Stranger” nina Tony Labrusca at JC Alcantara dahil mapapanood ito hanggang Marso 23 sa halagang P200 lamang o USD3.99 para sa users sa labas ng Pilipinas.
Extended din ang panonood ng brand new Pinoy movies sa iWantTFC dahil pinapalabas pa rin ang “Princess Dayareese,” “Yellow Rose,” at piling Metro Manila Film Festival (MMFF) 2020 entries gaya ng “Fan Girl” buong Pebrero.
Sa “Princess Dayareese,” ginagampanan nina Edward Barber at Maymay Entrata ang isang reporter at isang pekeng prinsesang magkakahulugan ng loob. Mapapanood ito sa halagang P150 o USD2.99 hanggang Pebrero 26.
Para naman sa mga gustong humabol sa MMFF 2020, available sa iWantTFC ang Best Picture awardee na “Fan Girl,” ang “Mang Kepweng: Ang Lihim ng Bandanang Itim” ni Vhong Navarro, ang boys’ love drama na “The Boy Foretold by the Stars,” at fantasy adventure film na “Magikland” hanggang Pebrero 26 at ang horror film na “The Missing” hanggang Marso 17 sa halagang P250 o USD4.99 bawat isa.
Ekslusibo ring napapanood ng users sa Pilipinas ang “Yellow Rose,” na pinagbibidahan ng Broadway stars na sina Eva Noblezada at Lea Salonga tungkol sa isang Pinay teenager na nangangarap na maging singer. Available ito hanggang Marso 9 sa halagang P150.
Para mapanood ang mga ito, mag-register at bumili lang ng tickets sa iwanttfc.com o sa pamamagitan ng Android app. Maaari ring ulit-ulitin ang pelikula sa loob ng 48 oras matapos itong bilhin.
Mapapanood din ang iWantTFC sa mas malaking screen dahil available na rin ang iWantTFC sa mga piling smart TV brands, ROKU streaming devices at Telstra TV para sa users na nasa labas ng Pilipinas. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://iwanttfc.com/help#tfc-on-smart-tv.
Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWantTFC, o sundan ang @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC. Kung may mga katanungan naman, ipadala ang mga ito sa Facebook page ng iWant TFC o mag-e-mail sa [email protected].