Ang iconic song na “With a Smile” ng Pinoy rock band na Eraserheads ang theme song ng newest GMA Public Affairs series na “Owe My Love.” Ginawan ito ng version ng leading lady ng serye na si Lovi Poe. Akmang-akma ang awitin sa rom-com series na kahit may element ng comedy, hatid nito ay pag-asa sa gitna ng mga pagsubok sa buhay.
“Hindi mo maiiwasan na may konting kirot na mararamdaman habang nagre-record ng “With a Smile,” share ni Lovi sa kanyang interview with GMANetwork.com. “I think it’s a great reminder for everyone na kahit we’re going through a tough situation now at things that have been very challenging for us, lahat naman tayo, puwede nating idaan sa ngiti, and then, there’s always a solution for everything.”
Ang Owe My Love ay kuwento ni Sensen Guipit (Lovi) at Doc Migs Alcancia (Benjamin Alves) na may kanya-kanyang life struggles at pagtatagpuin ng tadhana nang dahil sa utang at pera. Talagang kaabang-abang at mukhang nakaka-inspire ang kuwento ng bawat character sa series.
Patok sa viewers at netizens ang serye. Gabi-gabi nga itong umaabot sa trending topics sa social media. Kaya ‘wag nang magpapahuli at manuod na ng Owe My Love, Mondays to Fridays, 9:35 p.m. sa GMA Telebabad.