Nagsimula na nga nitong Lunes, February 15, ang Kapuso romantic-comedy series na Owe My Love na pinagbibidahan nina Lovi Poe as Sensen Guipit at Benjamin Alves bilang Doc Migs Alcancia!
At talaga namang winner ang #SenMig sa viewers dahil nakakuha ito ng overnight NUTAM People rating na 11.5 percent, ayon sa data ng Nielsen Phils.
Certified trending din ito last Monday matapos na makasama sa list of top trending topics nationwide sa Twitter.
Agad namang nag-post about this si Lovi, “Anong sabi ng Yellow Ranger costume ni Sensen? Trending tayo kagabi! Thank you for watching our Pilot last night! Mamaya ulit! Ravaaaan!”
Dagdag din ng aktres sa pamamagitan ng kanyang Instagram story, “Thank you for watching! Our pilot episode is trending ’cause of you guys! Umpisa pa lang ‘yan! We’re just getting warmed up.”
Mapapanood ang Owe My Love tuwing Lunes hanggang Biyernes, 9:35 p.m., sa GMA Network.