in

Sam Milby, mas mahal si Iza Calzado sa ‘Ang Sa Iyo Ay Akin’

Napagtanto na ni Gabriel (Sam Milby) na ang tunay niyang mahal ay ang asawang si Ellice (Iza Calzado), hindi si Marissa (Jodi Sta. Maria), na kanyang natuklasan ay ang taong nagligtas sa kanyang buhay noong siya’y bata pa. Si Marissa ang may hawak ng kalahati ng kwintas na pinakaingatan ni Gabriel nang buong buhay niya.

Nang makita ni Gabriel na suot ni Marissa ang kwintas, nanumbalik ang kanyang mga naramdaman noon. Ngunit nang magtapat ito sa kapatid na Helena (Jenny Jamora) at inang si Carmelita (Cheska Inigo), akala ng dalawa na si Marissa ang pipiliin ni Gabriel. “Magandang ala-ala si Marissa. Siya ang batang kinapitan ko noong bata ako. Pero hanggang dun lang ‘yon. Si Ellice ang mahal ko,” sambit nito sa ina.

Samantala, umabot na sa sukdulan ang nararamdaman na takot ni Ellice kaya ibinunyag nito kay Jake ang naging kasunduan nila ni Marissa, bagay na ikagagalit ng binata sa ina.

Hindi magtatagal, babaliin ni Jake ang pangako sa ina at tatawagan nito si Hope para ibulgar ang isang sikretong maaaring ikasira ng paghihiganti ni Marissa sa pamilya ni Ellice.

Dahil sinira na ni Ellice ang kanilang kasunduan ni Marissa, tuluyan na nga kayang maagaw sa kanya ang Cenidoza? Itutuloy nga ba ni Jake ang pagbulgar kay Hope ng katotohanan sa kanyang pagkatao?

Abangan ang muling lumalagablab na pagtatapat nina Marissa at Ellice sa mga darating na gabi sa “Ang Sa Iyo Ay Akin,” palabas gabi-gabi, 8:40 PM sa A2Z channel.

I-scan lang ang digital TV boxes para mahanap/hanapin ang A2Z channel na mapapanood sa Metro Manila at ilang bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, at Pampanga.

Palabas rin ito sa Kapamilya Channel sa cable at satellite TV (SKYcable channel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, Cignal channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa).

Mapapanood din ito Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, TFC, at iWant TFC app oiwanttfc.com. Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin angwww.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

World-class acts handog ng ‘ASAP Natin ‘To’ ngayong Valentine’s Day

‘Prima Donnas’ stars, ibinahagi ang memorable experiences nila sa set