in

BL actor lumaki ang ulo, ayaw nang makisama sa mga hindi sikat

Maraming nagkukwento na yumabang na ang isang young BL actor na nakilala ngayong pandemic dahil sa iskandalo na kanyang kinasangkutan.

Wala pa naman masyadong nararating ang BL actor na ito e super yabang na agad. Ang kwento nga, ayaw na n’yang makipagsabayan sa mga hindi naman kilalang young actors.

Feeling n’ya kasi mas kilala s’ya at ayaw na n’yang lumebel sa kanila. Pero mahal na mahal s’ya ng kanyang fans. Hindi kasi alam ng fans ang totoo n’yang ugali. Binago s’ya ng kasikatan.

Makikita naman sa kanyang social media accounts kung paano s’ya magyabang. Masyadong mataas ang kanyang lipad.

Baka dahil sa sobrang taas ng lipad n’ya e mahulog s’ya. Mahirap na. Saan s’ya pupulutin? Hindi rin naman s’ya kagalingang umarte. Hubad lang s’ya nang hubad.

Tanong tuloy ng iba, paano na kapag nagsawa na ang mga tao sa BL? May ibang project pa kaya s’ya? Oo, kilala s’ya sa Twitter world pero hindi ibig sabihin nun household name na s’ya.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Tambalan nina Charlie Dizon at Jameson Blake, magpapakilig sa ‘MMK’

‘Feb-Ibig’ ng ABS-CBN, patuloy na ibinibida ang pag-ibig sa mga Pilipino