in

Mga espesyal na programa para sa mga Pinoy abroad, mapapanood na rin sa GMA News TV!

May regalo ang GMA Pinoy TV para sa Kapuso viewers simula ngayong Valentine’s Day dahil ipapalabas na rin sa GMA News TV ang kanilang original programs na “Pinoy Aklatan: Filipino Stories for Kids” (Pinoy A+) at “Becoming Pinoy” tuwing Linggo!

Tunghayan ang “Pinoy Aklatan: Filipino Stories for Kids” (Pinoy A+) sa umaga at mamangha sa mga alamat at istoryang pambata na isasalaysay ng  Kapuso personalities tulad nina Pia Arcangel, Suzi Abrera, Lyn Ching, Connie Sison, Kara David, Yasmien Kurdi, Bianca Umali, Paolo Contis at LJ Reyes, Carlo Gonzales and Luanne Dy, Manilyn Reynes, at GMA News pillar na si Vicky Morales.

Samantala, tampok naman sa nakaka-inspire na series na “Becoming Pinoy” ang iba’t ibang kuwento ng mga Pinoy na nasa ibang bansa at naging kilala dahil sa kanilang galing at talento.

Ilan sa kanila ay sina Carolyn Fe na gumanap na lola sa sikat na children’s show na ‘Blues Clues & You’, ang Broadway star na si Jonjon Briones, Hollywood movie at TV actors na sina Nico Santos at Vince Rodriguez, YouTube sensation na Caleon Twins, at ang Dubai-based Filipino values advocate na si Sameera Aquilar.

Tutukan ang “Pinoy Aklatan: Filipino Stories for Kids” (Pinoy A+), 10:00 AM; at “Becoming Pinoy” ng 11:00 PM tuwing Linggo sa GMA News TV!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Coco Martin, papalag na kay Richard Gutierrez sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

Angelica Panganiban, babalik sa paghahanap ng anak sa ‘Walang Hanggang Paalam’