in

Ron Solis, ni-revive ang original ‘Himig Handog’ entry niya na ‘Last Love Song’

Nagbabalik ang singer-songwriter na si Ron Solis sa music scene gamit ang bagong bersyon niya ng sariling komposisyon na “Last Love Song” mula sa Star Music, na mapapakinggan na simula ngayong Biyernes (Pebrero 12).

Isa sa mga finalist ang kanta sa ‘Himig Handog Love Songs 2’ songwriting competition noong 2003 na in-interpret ng boyband na 17:28 at ni Heart Evangelista, na inilalarawan ang emosyon ng isang tao na nag-desisyon nang magpaalam sa kanyang minamahal.

Isa ang “Last Love Song” sa dalawang entry ni Ron sa kompetisyon noong taong iyon, bukod pa sa “Huwag Ka Nang Umiyak” na binigyang-buhay naman ng OPM band na True Faith at ire-release niya rin bilang revival sa Abril.

Nakatira na ngayon sa New York City sa Amerika ang Pilipinong music artist na nagbabalik para iparinig ang bersyon niya ng “Last Love Song” na swak sa gaya niyang hopeless romantic. Maririnig din ito sa lyrics at melody ng mga kanta niya na puno ng malalalim na emosyon pero kumakatawan sa mga personal na damdamin ng isang tao.

Malaki rin ang impluwensiya sa musika niya ng tunog ‘90s R&B, pati na ang tunog ng Filipino ballads, musical theater, at kaunting folk.

Pakinggan ang “Last Love Song” ni Ron sa iba’t ibang digital music streaming platforms simula ngayong Biyernes (Pebrero 12). Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph), at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Ulirang Guro 2021, bukás na!

Coco Martin, papalag na kay Richard Gutierrez sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’