in

Tambalang JoLai ngayong AHA-mazing Sunday

Ngayong Linggo, bibisita ang Owe My Love stars na sina Jelai Andres at Jon Gutierrez o mas kilala bilang ‘JoLAi” sa AHA! para maghatid ng AHA-mazing kuwento tungkol sa alkansya.

Sakto sa upcoming GMA Telebabad series ang kuwento ng alkansya dahil ang Owe My Love ay iikot sa financial literacy kung saan bida sina Lovi Poe at Benjamin Alves. 

Inaabangan na nga ng viewers ang balik-tambalan nina Lovi at Ben pero marami rin ang excited mapanuod muli sa telebisyon ang JoLai na talaga namang ang lakas ng hatak sa netizens!

Samantala, dapat ding abangan sa AHA! ang “Mobile Legends: Bang Bang M2 World Championship” winner na Bren Esports! Syempre, join na rin d’yan si ‘Nanay Gaming’ na patok ngayon dahil sa kanyang game streaming. 

Let’s all have an amazing Sunday morning sa AHA!, kasama si Drew Arellano ngayong Linggo, 8:15 am, sa GMA Network.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

World class Pinoy talents, aabangan sa engrandeng selebrasyon ng ika-26 taon ng ‘ASAP Natin ‘To’

Fans, may sey sa mga bida ng ABS-CBN Pilikula ‘Pa-Mine Pare!’